"Norzagaray, Bulacan". Ano ang naiisip mong mga lugar sa tuwing maririnig mo ang salitang iyan?
Ang Norzagaray, Bulacan ay isang lugar na makikita sa Region III. Maraming mga magagandang lugar ang matatagpuan sa lugar na ito. Si Governor-General Fernando de Norzagaray y Escudero ay nagproklama ng paghihiwalay ng Bario Casay sa Angat. Dahil sa nangyari, ang dating Bario Casay ay pinalitan bilang "Norzagaray" na sinunod nga sa pangalan ng naturang Governor-General.
Sa ngayon, kilala ang Norzagaray. Dahil sa isang sikat na paliguan ng mga tao tuwing darating ang bakasyon at ito ay tinatawag na "Bakas". Ang bakas ay matatagpuan sa Barangay Matictic Norzagaray, Bulacan. At maraming mga taga-Maynila ang dumarayo pa sa Norzagaray para magbakasyon at para na din masubukang maligo sa bakas.
Para naman maliwanagan kayo kung ano ang itsura ng mga lugar sa Norzagaray, heto ang mga iilang litrato na kinuhanan ng mga estudyante sa Norzagaray Academy.
St. Andrew, the Apostle Church
Ang pangalan ng simbahan na ito ay “St. Andrew, the Apostle
Church”. Nasunog ito noong Marso 31, 1959. Pinasimulang itong itayo noong Oktubre 2, 1961 sa pamamahala ng Norzagaray Social Circle. Binasbasan ito ni Obispo Leopoldo Arcaira, DD noong Nobyembre 30, 1966.
Ipo Dam
Ang dam na ito ay isang kongretong imbakan ng tubig at nagduduktong sa Angat Dam. Ito ay matatagpuan sa San Lorenzo,
Hilltop, Norzagaray, Bulacan.
Munisipyo
Ang Munisipyong ito ay matatagpuan sa Poblacion, Norzagaray, Bulacan. Dito namamahala ang Mayor, Vice-Mayor at mga Konsehal na namumuno sa Norzagaray.
Bakas
Isa sa pinakasikat sa bayan ng Norzagaray ay ang “bakas”. Maraming tao ang pumupunta dito dahil sa ganda nito. Matatagpuan ito sa Barangay Matictic, Norzagaray Bulacan. Kaya daw tinawag na “Bakas” dahil may bakas daw ng paa ng higanteng si Bernardo Carpio at ang kanyang mga alaga.